Pati pala ito hindi ko pinapalampas.
Sumakit ang aking tiyan kaninang tanghali. Iniisip ko kung alin sa kinain ko ang nagbigay s’akin ng sakit ng tiyan. Pati likod ko sumakit din. Ang hinuha ko ay ang inumin ko ang nagbigay nito. Madalas sumakit ang aking likod kapag nakakainom o kaya’y nakakakain ako ng sobrang matamis.
Sa ngayon ay maayos naman ang aking pakiramdam kumpara kanina. 4 na oras din ang lumipas. Salamat sa tulog.